This blog post came from another of my blogs. Yes, I have multiple blog accounts. here's the url:
http://hangingfromagibbetprincess.wordpress.com/
Ang gulo! sobrang magulo! ako, ang utak ko, ang kapaligiran ko, ang gobyerno ng bansang tinitirhan ko, ANG MUNDO! lahat magulo.. sapagkat walang nagkukusang loob na ayusin ang mga gulo na meron sa mundong ibabaw..
IKAW!! OO!! IKAW NGA!! ikaw na may kakayahan baguhin ang mga bagay bagay na hindi tama dito! Ikaw na may kakayahan gumawa ng mga bagay bagay na ikababago ng mga pangyayari na nangyayari sa paligid..
Ako! OO!! ako nga! isa ako sa may mga kakayahang binabanggit ko! Isa ako sa mga sinusubakang baguhin ang mga hindi magandang pangyayari na nangyayari sa mundong ginagalawan ko.. Ako na inaasahan ng pamilya ko sa pag-ahon sa kanila sa kahirapan gaya ng ibang pamilya.. Ako na inaasahan ng aking bansa na tinuturing na pag-asa ng bayan!
Kami, kabataan, na kung tawagin ng mga nakatatanda na pag-asa ng bayan ay nalulugmok sa hirap ng buhay, nalulugmok sa masamang gamot, sa kawalan ng edukasyon. Ang iba sa amin ay nawalan na ng pag-asa. Ang mahihirap kong kasangga na pagod na pagod sa pagbanat ng bawat buto sa kanilang katawan, ako na may kaya sa buhay ay binabanat ang kakayahan ng aking utak sa pag-aaral, sa pagtulong sa maliit na paraan..
Ako, sa simpleng mga post na ganito, nakakatulong ba ko? may pagbabago ba? siguro meron, siguro wala.. sa mga nagbabasa kaya ng aking blog, may nasipa na ba sa pinakasensitibong parte ng katawan nila at nakaramdam ng kahihiyan at guilt?
Sa kasalukuyang nangyayari, binubuksan ko ang aking isipan at iniintindi ang mga bagay bagay nangyayari.. pinipilit kong intindihin, pinipilit ko.. Pero ayoko ng pilitin ang sarili ko! Dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito! Bakit ba may mga sadyang hindi natututo? Bakit may mga taong hindi makalimutan ang mga nakaraan? Bakit may taong gusto gumanti sa nakaraan? Bakit may mga taong hindi magawang disiplinahin ang mga sarili nila para hindi nila nagagalaw ang pera na hindi sa kanila, na hindi nakalaan para sa kanila? Bakit may mga taong ang kakapal ng apog at nagagawa pang humarap sa tao at magsalita ng marami pang kasinungalingan?
Ang gulo.. sobra talagang gulo! Nakakahilo!! Ako’y nagugulumihan sa mga bagay bagay na hindi naman dapat binibigyan dapat ng panahon ngunit nauubos ang 90% ng oras ng tao dahil sa mga hindi naman importanteng bagay..
Sana may masipa, matadyakan, mamura ng post na ito ng magising na!! MAGISING NA NAMAN KAYO!!
PWEDE BA?!
--------------------------------------------------------------------------------------------
I'll be reposting some of my works here.
Works from the past summer.This blog account has more hits than the other so I decided to repost things here. xp