Monday, November 17, 2008

Ako. Kahapon. Ngayon.

Sinulat ko tong blog post na toh sa papel. Bahala na ang mga foreigner kong mambabasa maghanap ng subtitles nila. Tinatamad kasi ako mag-english eh. Haha!

May kwento ako. Pake mo ba?! Haha! Eh gusto ko magkwento eh! Blog ko naman toh! Haha!

Nov. 16, 2008
Hindi ko alam ang oras.
Wala akong cellphone. Kumpiskado ng mahal kong ina. May punctured wound ako sa right cheek, sa baba ng aking mata, nasapak ako ng mahal kong kuya. May bowl ako ng natuyo ng suka sa kasasaw-saw ko ng tempura na chichiria. Yummy! Haha!

Natapos na ang novena na inaalay para sa namayapa ko ng Aunt Cynthia. Mainit dito sa kwarto kong magulo. Tanging ang ilaw lamang na madalang kong gamitin ang bukas.

Kanina, bago ako magsulat, nagbabasa ako ng libro, bigay sa'ken ng boyfriend ko. "The Essence of the Thing" by Madeleine St. John. Ang istorya ay tungkol kay Nicola Gatling at Jonathan na hindi ko maalala ang apelyido.
Ika nga ng libro; "A haunting & hilarious novel about the things women will do to hold on to love. And the things men will do to escape it." Nang mabasa ko toh, natawa ako. Haha! Kita niyo, natawa na naman ako. Haha!

Flashback.

Ang patriyarkal kong relasyon kay Arbin Keljun S. Napoco noong 4th year ako. 11 buwan at 8 araw na relasyon. Bawal ang noodles, pansit canton, coffee, softdrinks.
Bawal ang soccer. "mag-quit ka na sa soccer." Bawal magsend ng sms sa ibang tao. "Sino tong iba na nagtetext sa'yo?" School-bahay-school. 'Yan ang gusto niya. Nabulag ako sa kanya. Langya! Akalain niyong nakatiis ako sa ganoong relasyon? Haha! Natatawa na lang ako sa katangahan ko noon. Pero 'wag ka! nagawa kong magkaroon ng "backstage affair" noong mga panahong yun! Kaya hindi ko na tuloy ma-imagine na 1 buwan din akong nagluksa sa pagkawala niya! At kung tutuusin, walang love sa 11 buwan na 'yun. Lust lang.

Sipa sa kasalukuyan.

1 dekada at 7 taon. Sa loob ng 1 dekada at 7 taon kong pamumuhay sa mundong ito, sa lipunang ito, lumaki akong lihis sa inaasahan sa akin ng aking pamilya. Isa kong tokwa't kalahating carrots ika nga. Ipagpatawad ang Food Curse ko. Ang tokwa ay gago, samantalang ang carrots ay tanga. Akalain niyong alam ko ang katotohanang iyon? Pero hindi halata ang pagkacarrots ko noh? Sabihin na lang natin na nagpaka-carrots ako. Iyon na lang.

Sa loob ng 2 buwan, 18 na ko. Ang bilis ba ng panahon? Bakit parang nababagalan yata ako. Teka! Hindi nga pala "parang". Talagang nababagalan ako. Haha! Pagpasensiyahan naman ako. Nagmamadali lang ako. Haha! Kaloka!

Flashback.

Ang mga reporters ng CNN, nag-uulat para sa U.S presidency. Obama & Biden, democrats. Mccain & Palin, republicans. Ang ugong ng mga pangalan nila. Ang sakit sa tenga. Pero nanunuod ang auntie ko. Nagrereact ang auntie ko. Haha! Nakakatuwa siyang tingnan na nagcocomment. Sa bagay, American citizen na siya eh. Ilang taon din siyang nanirahan doon. Doon na rin na-diagnose na may cancer siya. Breast cancer survivor. Bone cancer.
*Ilang linggo pagkatpos, sa loob ng kwarto*
Umuungol siya sa sakit. Unti-unti siyang pinapatay ng sakit niya, bone cancer. Ang sakit. Wala akong magawa. Hindi ko rin naman alam ang gagawin eh. Gusto ko lang umuwi. Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa panunuod ng Totally Spies sa Disney channel. Ika nga ng pinsan ko, "Ang hilig mo manuod ng kengkoy! Haha!"
Oha! Saan ka pa?! Haha! 10:00 am. Ang init! Ang tingkad ng kulay ng araw, pinagpapawisan ang kasingit-singitan ng katawan ko.
*Fast forward*

October 14, 2008. Birthday ng boyfriend kong mahal. Pumaparty si boyfriend, ako naman nagdi-dial ng digits niya sa cellie ko habang naiyak. 6:15 pm ng araw din na yun, natapos na ang paghihirap ng Aunt Cynthia ko. Ring. Ring. "Mosh?!" "Mosh! T_T" "'Wag ka na umiyak" ........ Naputol ang linya. Bobong network.
After 2 weeks, umuwi na kami ng Cavite.

Sipa sa kasalukuyan.

Anniversary ng PES. Nov 7, 2008. Nagpunta ako kasama ang isa sa highschool bestfriend ko, si boyfriend at ang Cavite chapter, partida, kulang kulang ang chapter noong nagpunta. Haha! Ang saya. Pagod pagka-uwi, pero ayos lang. Gaya nga ng nabanggit ko kanina, masaya, kaya worth it ang pagod ko, di ba?! Nov. 12, 2008. Happy BEERday Whiz. Ang saya ng gabing 'yun. Kinabukasan. 'Wag mo ng alamin ang mga sumunod na pangyayari.
Essence of the thing. Essence of the thing.

Eto na naman ang simula ng basag basag kong pamumuhay.

Malamang sangkaterbang sermon ang aabutin ko sa Dood ko nito. Haha! Baka matunaw na lang ako sa sermon niya 'pag nagkataon. Haha! Nasaan na kaya ako ngayon? 'Yung ako na matino? 'Yung matalino? Teka! Matalino nga ba ko? Parang hindi na oo. Haha! Ampokwang! Ang gulo ko noh?!Ano ba ang nangyari sa akin?! Nasaan na ko?
Nasaan na ko sa tingin mo? Oras na para magsimula sa paghahanap ko.

Ang sarili ko....


Nasaan na ko.......

No comments: