Aba! Mukha yatang balik na naman ako sa blogging scene. Haha!
Nagbabalik na nga ba ko? Di bale, malamang ikatutuwa ng "kapatid" ko toh.
Haha! Asa na lang ako. Kasi parang, parang lang naman, nakakalimutan niya na ko.
T_T
Ewan, bahala na. Haha! Hindi ako nag-online para lang magrants.
Kanina, bandang 12:00 ng tanghali.
Nanunuod ako ng balitanghali sa Qtv. Ang daldal ko. Lumabas ang part kung saan pinapakita nila si Manny Pacquiao habang nagtetraining. Half naked ang Pilipinong boksengero. Mabilis ang galaw, tapos, bigla akong napabulalas ng "AYOKO NG NEWS ABOUT KAY PACMAN! AMPOKWANG! GUSTO KO NG NEWS NG ABOUT SA ECONOMY!"
Napatingin na lang ang pinsan ko sa'ken. Haha! Eh sa 'yun naman talaga ang gusto kong mapanuod eh! Aangal ka pa! Nakikibasa ka na nga lang. Haha!
May napanuod naman ako na ukol nga sa gusto kong malaman, kung bumagsak na naman ba ng pagkatindi-tindi ang ekonomiya ng bansa, mga kaguluhan sa napakaduming pulitika, overseas news, etc. Pero may balita na kinasangkutan ng pangulo at ni press secretary Dureza ang napatawa ako. Haha! OHA! Kita niyo? Natawa ako. Haha!
"Bless the president so we will have forebearance, good health, the tolerance to lead the nation up to 2010, and perhaps who knows, even beyond."
- Press Secretary and Presidential spokesperson Jesus Dureza
'Yan ang linyang ikinatawa ko. Ikinatawa at ikinagulat din ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Kitang kita naman sa telebisyon ang reaksiyon ng mahal nating pangulo di ba? Haha! Hindi ko alam kung sarcastic ba si Mr. Dureza or what eh.
"and perhaps who knows, even beyond." Sa tingin ba niya mapapayagan 'yan ng mamamayan? Haha!
Ewan.
Ikaw? Anong masasabi mo? Kasi ako, wala akong masabi eh! Ibang klase ka Mr. Press Secretary and Presidential Spokesperson. Haha! Isa kang malaking, PATAWA!!! Haha!
And infairness to you sir, napatawa mo talaga ko sa gitna ng aking pagmumuni-muni. Haha!
Oh siya, siya, ako'y mapapagalitan na ng aking ina. Overtime na daw ako dito sa tapat ng computer eh! Haha!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment